Catatonic.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag verbally. Hindi ako magaling don.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag nalulungkot ako. O balisa. Hindi ko kaya 'yon.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag dito sa blog ko. Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Basta hindi ko lang kaya.


Pero ngayon, gusto kong magsalita pero ayokong makipag-usap. Gusto kong magkuwento pero ayoko rin namang seryosohin ang kuwento ko. Gusto kong magpaliwanag pero ayokong ipagtanggol ang sarili ko.

Hindi ako sanay nang inaaming malungkot ako. Balisa. Kaya hindi ako sanay dito. Pero nalulungkot ako. Natatakot ako. Balisa. Gusto kong umiyak at maglupasay na parang bata. Gusto ko rin nang may magpapatahan sa akin at bibigyan ako ng ice-cream. Gusto ko sanang sabihin kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko sanang hanapan ng kongkretong dahilan

- pero wala.

Hindi naman talaga dahil sa wala kung hindi siguro dahil ayoko lang alamin. Ayoko lang busisiin. Ayoko lang bulatlatin. Dahil gaya nga nang isang bersong paulit-ulit kong sinasabi noon, noong mga panahong tulad nito


Pinakamasakit ang sugat kapag pinipilit gamutin.


Sana makayanan ko hanggang sa gumaling.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home








Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket