Habulan -Taguan

Hindi nawawala ang tula
dahil hindi kailanman
nawawala ang tugma
at talinhaga.

Kung kaya’t
Hindi ako ang iniwanang
Naghihintay lamang
Na iyong balikan.

Sapagkat,
Ako ang lumisan
Na hindi man lamang
Nag-abalang
Sayo ay

Magpaalam.


*

May bumabalik.

Subalit -
Hindi lahat ng pagbabalik ay may katiyakan ng pananatili.
At hindi lahat ng pananatili ay nangangahulugang may pagbabalik.


*

Sa mga ganitong panahong marami akong pinaglalaruang salita ay nababatid kong may hinahanap ako.

- Pwedeng mga salita rin mismo ang hinahanap ko.
Maraming paraan upang ipahayag ang damdamin subalit hindi lahat ng paraan ay angkop o kaya kong abutin. Kaya marahil, napipilitang akong gumawa ng sarili kong paraan upang magpahayag, hindi man marinig; hindi man maunawaan. Kung minsan, sapat na sa aking ako lang ang nakakaalam.

09:04 am

Ipagbawal mo na kaya ang ako ay magsalita?
Dahil sa tuwing nais kitang kausapin
Wala akong masabi,
Wala akong magawa.

Paulit-ulit,
Lagi na lang
Ang lahat
Nauuwi rin sa tula.


*

Gusto ko na namang magpasagasa sa bus kagabi.
Kaso trapik naman.
Baka hindi rin ako mamatay 'pag nabundol ako.
Tapos lalo pang magkatrapik.


*

Maliit pa siya ngunit matapang na.
Pinatapang ng kanyang pag-iisa.


*

PMS (pre-menstrual syndrome) lang ba 'to
o talagang
nalulungkot ako?
Saan ba hahanapin ang mga nawawala?

tsinelas
bag
notbuk
camera
laptop
pera
statement
rosaryo
dyaryo
I.D.
cellphone
sulat
plakard
org shirt
wallet
panty
kotse
brip
boses
mata
tenga
mukha
pangalan
alaala


Paano ba ibabalik ang mga nawawala?

Kapitbahay
Kaklase
Guro
Lolo
Lola
Nanay
Tatay
Kapatid
Kasintahan
Anak
Asawa
Halakhak
Kwentuhan
Sigaw
Pangako
Luha
Puri
Sarili


Paano ba pipigilin ang mas marami pang pagkawala?

Pagtulog
Pagtitiis
Paglimot
Pagpapaalipin
Pagluha
Pagsigaw
Pananahimik
Pagpapatiwakal
Pagkamulat
Pagtutol
Pagbalikwas

Paghihimagsik

Multong paraiso

May isang malaking puno ng akasya sa gilid ng isang lumang kahoy na tulay. Itong tulay na ito ang nagdurugtong sa dalawang lupaing halos isang dipa lang naman ang agwat. Malinis na tubig ang umaagos sa pagitan ng mga ito. Magdadapit-hapon na subalit marami pa ring saranggola sa himpapawid na tila nagpapaligsahan sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano'ng lugar ito o kung kahit napangalanan na ba. Hindi ko alan kung saan ko ito matatagpuan o kung may ganito nga bang lugar sa kasalukuyan, kung ang lugar bang ito ay matatagpuan sa kahapon ko o sa bukas.


*

Traysikel ang pangunahing uri ng transportasyon sa lugar na ito. Kung hindi sumasakay ang mga residente ay karaniwang naglalakad lamang sila kahit pa ngayong tag-ulan na at maputik ang daan. Medyo malayo ang pupuntahan ko mula sa mababang paaralang ito. Malayo hindi dahil talagang malayo, kung hindi, malayo dahil hindi ko sigurado kung paano ako pupunta sa pupuntahan ko. Hindi ko alam kung saan ang daan pauwi o kung may bahay pa nga ba akong mauuwian. Baka kasi, itong mababang paaralang ito na pala ang magsisilbing tahanan ko simula ngayon.



Ito ang hitsura ng lugar na parating bumibisita sa mga panaginip ko; pumupuslit, nangungulit at nananatiling kakabit ng aking alaala maging sa paggising ko.

Kapag estado ang gumamit ng dahas,
ito ay tinataguriang lehitimo.
Kapag mamamayan ang gumamit nito,
ito ay terorismo.
- Pasintabi, R. Tolentino (http://www.pinoyweekly.org/)


Biguin ang Martial Law ni Gloria!
Ibasura ang Human Security Act!

Kung sakali mang hindi ko na masabi sa'yo

Huwag ka sanang mapagod. Huwag ka sanang magsawang maghintay sa akin gabi-gabi upang ako ay pagbuksan ng pinto. Maaaring hanggang ngayon ay ikinalulungkot mo pa rin ang hindi natin pagsasalo kahit man lamang sa hapunan, isang beses sa isang linggo ngunit huwag sana itong maging dahilan ng tuluyang paglayo ng loob mo sa akin. Hindi ko man aminin ngunit kapwa ko ninanais at kinatatakot rin ang masanay kang wala ako.

Pasensya ka na kung hindi na tayo nakakapagkuwentuhan ng kasindalas tulad noon. Nadarama kong kahit si DJ ay miss na miss na rin ako. Pasensya ka na kung halos hindi na talaga tayo nagkikita, hindi na tayo nagvivideoke, hindi na tayo nagkakaroon ng panahon para humiga lang sa sa sahig ng magkatabi habang nanonood ng T.V. Kung sakali mang nasa bahay ako eh nasa kwarto lang ako at nagbabasa o di kaya naman ay natutulog o may tinatayp sa computer o nag-iinternet. Minsan nga hindi ko na namamalayang umalis ka na pala.

Siguro hindi mo napapansin pero miss na miss na rin kita. Kaya nga sana pag naglalambing ako (na hindi ko talaga ginagawa) at gusto kitang i-kiss bago ako umalis ay payagan mo na ako at ‘wag ka nang magpakipot (hehe). Hindi naman kasi ako nagkakaroon ng maraming pagkakataon para gawin iyon.

Kung sakali mang hindi ko na masabi ang mga ito sa iyo (dahil mushy, hindi tayo sanay sa usapang mushy), huwag mo sanang isipin na hindi ako sinsero, manhid ako at walang pakialam. Walang araw na lumipas na hindi ko naisip kung paano magkakaroon ng panahon para sa iyo, sa inyong pamilya ko. Walang araw na lumipas na hindi ko naiisip kung paano kita susurpresahin para naman makabawi ako sa’yo kahit papaano.

Pero sana pagtiisan mo muna kung ano ang makakaya kong ibigay sa ngayon at sa mga araw pang darating. Hindi ko kayang tuparin lahat ng inaasahan mo sa akin ngunit pipilitin kong gawin ang ilan. Sana huwag itong ikasama ng loob mo.

Alam kong minamahal mo ako sa pinakamainam na paraang alam mo.
Salamat. Ganoon din naman ako sa’yo.

Hindi pa nga ako tapos

Matalas ang 'yong dila
gaya ng
matalas mong pagtitig;
paghatak
paghila.
Kaya nga hindi
na dapat
tanungin
pa
kung bakit bumabaha
hindi lamang ng laway
ng luha
kung hindi
pati na rin
ng dugo
sa
sala.

Isang susi

Puwedeng susi lang sa gate, hindi pa nga susi mismo sa pinto ng bahay.
Puwedeng susi lang sa bahay, pero hindi pa mismo sa puso at isipan ng mga nakatira dito.

Alam kong mahaba-haba pa ang lalakarin ko at marami-rami pa ring susi, maliban sa susing hawak ko ang kailangang mapasaakin para ganap akong makapasok. Pero hindi ako napapagod. Mabuti nga ngayon may kapangyarihan na akong pumasok kailan ko man naisin, hindi tulad dati na kailangan ko pang kumatok at palaging mangambang baka hindi na ako papasukin.


Ang isang susi ay katumbas ng pag-unawa, respeto, tiwala at pagiging bukas - pagmamahal.
Asahan mong/ninyong hindi ko ito iwawala.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tentenenen! - dahil mahilig lang talaga akong magdrowing sa Paint. Ganyan na ang magiging hitsura mo 'pag kulot ka na. Perfect! Ay kaso nakalimutan kong lagyan ng shades para maangas. Nextaym na lang. Hehe.

Hindi lamang nararapat ipagdiwang ang kaarawan ng isang minamahal dahil ginugunita natin ang kanyang pagkaluwal dito sa mundo; ito rin ay marapat na maging isang pagdiriwang ng ating pagkaluwal sa mundo - ang pagsilang ng bawat bahagi ng ating sarili ng dahil sa kanya. Ang pagdiriwang ng kaarawan ay isang paggunita hindi lamang ng pagkakaiba-iba ng bawat isa sa atin at ng pagpapahalaga natin sa mga pagkakaibang ito kung hindi isang paggunita rin ng ating pagkakaugnay-ugnay sa isa't-isa at ng ating pagkakapareho.

Naging/nagiging makabuluhan para sa akin ang kaarawan mo dahil ginugunita ko rin ang pagsilang ng maraming mahahalagang bahagi ng aking pagkatao dahil sa'yo. Sana'y maging/naging/nagiging makabuluhan din siya para sa'yo.

Salamat, Jane sa lahat.

Labsik pa rin.

It only takes a single bullet
to kill one of us.
How much more of us will it take
to halt the gale of bullets?


- mula sa tula ni Lisa Ito,
Questions from Autopsies




*


Hindi ako nakatulog kagabi.


Oo nakapikit ako buong magdamag at nananaginip ngunit ang diwa ko'y mas gising pa kaysa kapag ako ay totoong gising. Kung sabagay, minsan nga hindi ko na rin tiyak kung mas gising nga ba ako kapag ako ay gising o kung kapag ako ay tulog.

Hindi ako nakatulog dahil muli akong binisita ng mga multong naging bahagi ko na rin; mga nawawalang mukha, mga pangalang walang mukha, mga pangalang nakikipaglaban upang huwag maging titik na lamang, mga pangalang nangangambang mawalan na ng mukha at maging datos na lamang. Mabigat ang kaloob-looban ng mga multo kahit na sila pa ay wala ng makamundong katawan. Sa katunayan nga, mas mabigat pa sila ngayong wala na ang mga katawang ito. Paano'y sampung beses na mas mabigat ang kanilang mga dinadala ngayon, iyon ay kung masusukat nga bang talaga ang bigat ng kanilang dinadala.

Hindi ako nakatulog kakaisip sa kanila. Sapagkat ang mga multong ito ay hindi lamang mga datos at statistika, hindi lamang sila laman ng balita, hindi lamang sila binubuo ng mga titik at pigura, hindi lamang sila mga tau-tauhang walang pinagkaiba sa isa't-isa at hindi mo mapapansin ang bawat pagkawala nila. Ang mga multong ito ay may mga mukha, may pagkatao. May mga pangarap sila, may paboritong pagkain, may paboritong gawin. May mga pamilya sila, kaibigan, kasintahan, asawa, kaklase, katrabaho, kapitbahay, mga kasama na naghihintay sa kanila. Ang buhay nila ay mahalaga.

Ang nais lamang nila ay makamit ng bawat isa sa atin ang mundong nararapat para sa atin; isang mundong makatarungan at malaya. Ngunit ano ang isinagot ng mga naghahari-harian sa kanila? BALA. Bala at saradong mga tenga at mata; nagmamatigas na puso. Bala ang isinagot sa kanila; bala, dugo, sakit, luha, pangungulila, paghihinagpis.

Ngunit hindi na kinailangan pa ng mga multo ang magsalita upang sila ay maunawaan ko, ni hindi na nga nila ako kinailangang gisingin pa upang mamulat ako at upang maibahagi nila ang bigat ng kanilang dinadala. Sapagkat ang bigat na dinadala nila ay dinadala ko rin; dinadala ng bawat isa sa atin.

Hindi na nila kailangan pang ako ay bisitahin at huwag patulugin gabi-gabi upang maniwala akong silang mga multo ay hindi naman talaga namatay kahit kailan; at hindi sila mamamatay kailanman. Sapagkat ang bawat paglaho ng isa sa kanila, sa bawat pagkawala at panandaliang pagpanaw nila ay uusbong - at patuloy na umuusbong, sampung beses na mas matatag at mas marami pa - ang mga bagong mukhang magpapatuloy ng kanilang sinimulan at hindi makalilimot na itulak sa mas mataas pang antas ang kanilang mga ipinaglaban.

Dahil dito'y tinatanaw ko, dapat nating tanawin kasama nila ang lahat ng mas marami pa at mas mahahabang gabi nang gising at mulat at hindi nawiwili sa mga makasarili at makamundong pananaginip, pangangarap.

ABRAKADABRA!

From: butuyan joel
Date: 30-May-2007 17:43

ABRAKADABRA!

The abductors of Jonas Burgos declared "Pulis kami!" to the mall crowd who were startled by the abduction. With the two-word mantra, the criminals whisked Jonas away to be added to the statistics of desaparecidos. The criminals might as well have recited "abrakadabra!" and "poof!" Jonas Burgos disappeared in full public view in a Metro Manila mall.

The human rights group Karapatan has documented over 196 forced disappearances on top of the 864 activists summarily executed since Gloria Macapagal Arroyo took office in 2001.

In all the abductions done in full public view, there is little doubt the dastardly criminals flaunted their "abrakadabra!" powers by reciting their mantra "Pulis kami!" to give their crime a veil of legitimacy and to shoo away would-be rescuers. In all these cases, the public stood silently aside because of the mistaken notion that if the accosting operatives are policemen, they have an indisputable authority to arrest anyone.

Contrary to this grave misconception, the rule is that policemen do not have an inherent authority to arrest by reason alone of their uniforms and guns. Their authority to arrest arises only when either of two exceptional circumstances are present: ONE, when the policemen have a warrant of arrest, and; TWO, when the policemen are personally in the presence of a person in the act of committing a crime.

Any policeman who takes any person into custody without either of the two exceptional circumstances is not making an arrest. He is in the act of committing a dastardly crime. He is the criminal.

It is true that the controversial new Anti-Terror law gives the police the power to detain a suspected terrorist for three days without an arrest warrant. But this type of a warrantless arrest requires a prior court-approved surveillance and a suspect who is committing the crime of terrorism that "creates widespread and extraordinary fear and panic among the populace." The victims of forced disappearances and the would-be victims addressed by this article do not rightfully belong under this category.

When the "Pulis kami!" abductors of Jonas Burgos accosted him, they had no warrant of arrest. Jonas was also not in the act of committing a crime. He was only enjoying a meal in a restaurant, for heaven's sake. If taking a meal is a crime, then policemen should rush to Congress and make a mass arrest of all those pork-bellied Congressmen.

What are the rights of the would-be victim and would-be rescuers when they find themselves in the midst of "Pulis kami!" operatives --- impostors or genuine --- who have possibly commenced the commission of the multiple crimes of kidnapping/arbitrary detention, serious physical injuries and even murder?

First, the law gives the would-be victim the right to invoke self-defense in resisting the abduction. He can use whatever force he can muster and whatever weapon he can lay his hands on to defend himself even if in the process he inflicts fatal injuries to his would-be abductors.

Second, the law gives members of the public the right to come to the rescue of the would-be victim under the principle of "defense of stranger." If in the process of defending the would-be victim the rescuers inflict injuries --- or even death if justified by the circumstances --- upon the criminals, any lawyer worth his gabardine pants can have the rescuers acquitted in whatever criminal case that is filed. Hence, if the Ever Gotesco mall guards came to Jonas' defense – and in the process a shooting incident broke out between the mall guards and the abductors --- the mall guards would be acquitted of homicide if the abductors were killed, even if they turn out to be police or military personnel. In such an incident, the abductors are the criminals.

Third, since the "Pulis kami!" operatives are in the act of committing a crime, any member of the public can effect a citizen's arrest on these rascals. In other words, it is a case of private citizens arresting police or military personnel (if they really turn out to be so) who are caught in the act of committing a crime.

It is true that these rights of "self-defense," "defense of stranger," and "citizen's arrest" are easier said than done. However, the world may be a little safer if would-be victims and members of the public are armed with the knowledge that they have options other than freezing like a deer caught in the headlights when an unfolding abduction stares them in the eye. Given the right circumstances, a would-be victim or a lion-hearted spectator may have the opportunity of saving one precious life whose mother is spared of the heart-wrenching tragedy of weeping and sobbing for the rest of her life; deprived of the chance to even bury the cold and bruised cadaver of her disappeared son or daughter.

Given these rights, a would-be victim should scream and shout in protestation in order to alert the public of the on-going detention. Companions of the would-be victim, concerned spectators, and mall and establishment guards should get the names and the unit address of the accosting operatives. A scrupulous peace officer enforcing a legitimate arrest should know that he has nothing to fear when asked about his identity as, in fact, he is under a legal obligation to identify himself. On the other hand, an accosting operative who refuses to divulge even his identity justifies the would-be victim and would-be rescuers to have a well-grounded belief and to take a consequent course of action on the premise that the operative is a criminal. The companions of the would-be victim, concerned spectators, and guards can call the police hotline, television and radio stations, and obtain mobile phone camera shots of the accosting operatives and the car plates of their get away vehicles.

There is now an atmosphere of fear resulting from the unabated forced disappearances and extra-judicial killings. Our police and military establishments officially deny that their ranks have anything to do with these despicable crimes. Given these facts, would-be victims and would-be rescuers are rightfully justified into suspecting that operatives unarmed with a warrant --- and who attempt to accost any person doing an ordinary daily routine --- are either civilian criminals or rogue cops who are out to perpetrate a crime. Victims and rescuers have the law on their side when they exercise the full force of their rights.

Now, if only the Filipino people exercise their "abrakadabra" powers to make the criminals in this government disappear. But that's another story.



Joel Ruiz Butuyan studies, teaches, and practices law. He is the managing partner of Roque & Butuyan Law Offices.


Statement of Pastor Berlin Guerrero

From: "adarna@gmail"
Sent: Saturday, June 2, 2007 9:22:25 AM
Subject: Statement of Pastor Berlin Guerrero


PRESS STATEMENT

What does it take a government to have the nerve to abduct, torture,
and terrorize my family on the basis of an old inciting to sedition
case and a baseless murder charge?

Far more absurd is the accusation that I am the Secretary of the CPP
Provincial committee in Cavite . This lie that they tried to extract
from me by means of physical, mental and psychological torture and
projecting me in public as a "hand-gun and grenade carrying rebel."

I am a Pastor of the United Church of Christ in the Philippines (UCCP)
and never participated in any killings, illegal or unlawful
activities, or any common crime.

My family and I have just taken a tricycle from the local church which
I have served for two consecutive years (June 2006-2007) where we just
celebrated UCCP's and the local church's 59th and 72nd anniversaries
respectively (On May 27, at around 5:30 pm, a white van cut the
tricycle's path and military-looking men quickly alighted to grab me;
despite my plea that they show me the warrant they said they had. I
was man-handled and forcefully shoved inside the van, put a handcuff
on my hands behind me, covered my head with a cloth and packing tape,
was beaten, punched and kicked repeatedly.

They brought me to a place I didn't know. Here, still handcuffed, men
would take turn interrogating and beating my head with their fists and
blunt objects. (Like a 1,000 ml mineral bottle and other objects).
All throughout, layers of plastic bags covered my head. My torturers
would tighten the bag until I could no longer breathe. I passed out
two times and urinated in my pants.

They made me shake my head for about an hour and beat me whenever I
stopped they said they would do these things to my family if I did not
cooperate. I was forced to give names and addresses of my whole
family, officers of church and conferences, name of my administrator
at Union Theological Seminary where I am studying theology, leaders of
progressive labour and peasant organizations in Southern Tagalog.

They opened my computer by forcing me to give the password, got my
e-mail password. They erased all of my church, school and personal
files and replace it with documents that belong to the so-called
underground left.

After about twelve hours, they put me back on the van still handcuffed
and blindfolded. They threatened to kill me, burn me or bury me.
They continued to beat me and make new names for me. They got my sim
card.

They called me Pastor-Impostor. And lectured me on the "evils" of
communism and how the church, legal people's organizations are "used"
to create trouble by criticizing the government.

When the van stopped, it took an hour before they led me down, made me
sit down and lie down. After an hour, they removed my blindfold.
Here I learned I was in Imus, Cavite specifically at Camp Pantaleon
Garcia, Cavite Provincial Police Office (PPO).

Later on in the afternoon, that was the only time I saw the warrants
of arrest and to what unit of the PNP I was turned over to by my
abductors.

Now that I have the time to collect my thoughts and view my situation
inside what police offices "call a subhuman" cell, let me make a
preliminary analysis of my unfinished ordeal.

(1) The unit which abducted me is an organized AFP unit which
operates covertly or below the law. It is composed of elements coming
from different units of AFP's Intelligence Community. As a
counter-insurgency unit, it uses ex-NPAs. They are lawless enforcers.

(2) Making use of court cases which involves suspected personalities
of the left, no matter how weak, these cases may be served and used to
make the arrest legitimate. In my case, I am implicated in a Murder
Case in 1990. Case files show that I do not have a direct or indirect
link to the crime.

(3) To bring me to the court by means of the arrest warrants is
secondary. Their primary objective is to extract information from me
by means of torture.

(4) It is also meant to terrorize my family, my relatives, friends,
church members and practically everyone I know and who know me. It
creates a thinking that this repeated attack on a person's right,
which may end in incarceration or death, can happen to anybody.

I am outraged by their branding me as a "Pastor-Impostor" because it
is an affront to the sacred office I have sworn to serve God Almighty
who knows every heart and mind.

Finally, I hold the Gloria Macapagal Arroyo government responsible for
the abduction and torture I have suffered and the subhuman captivity I
am forced to accept. The GMA Administration should listen to the
repeated cries of the people to stop violation of human rights and the
political killings.

They may have put in jail, but my spirit is free and firm because God
is with us always.

(SGD.) PASTOR BERLIN V. GUERRERO

United Church of Christ in the Philippines

Inside the Camp Pantaleon Garcia

Cavite Provincial Police Office

Imus, Cavite

May 30, 2007

Check.

1. Ang pinapangarap kong organizer na may kulay pulang cover - fresh from a balikbayan box na noong 2000 pa sinimulang punuin ng aking butihing tita sa Australia. Sana siya na lang ang laman ng balikbayan box.
2. Isang ponkan na ponkan sa ka-orange-an na knee-length skirt - fresh from UK (ukay) sa DV (Divisoria). P80 lang at isang oras na paglalaba ang nakayanan ko.
3. Boses na pamilyar ngunit malamig, malayo - putol-putol kong naririnig sa kabilang linya isang gabi. Hindi pa rin ako nasasanay kahit labintatlong taon nang ganoon.
4. Mga kapamilya, kaibigan, kasintahan, maging ang sariling nag-eempake gabi-gabi - dahan-dahang lumilisan kahit hindi naman talaga dahil sa sariling kagustuhan.
5. Sarili kong bayang inagawan ng pangalan at kasarinlan - hindi niya ito ginusto kaya siya ay patuloy na lumalaban.

Paboritong landian

The Rose

"Yes, yes of course I love you. You had no idea - which is my fault. It is of no consequence. But you have been as foolish as I. Try to be happy. And leave that glass alone. I don't want it anymore."

"I'll simply have to put up with two or three carerpillars if I want to meet some butterflies. I have heard that they are very beautiful. Otherwise, who will visit me? You will be far away. As for wild animals, I am not afraid of them. I have my claws."

"Don't hang about like that, it's irritating. You've decided to go. Now go!"

*

The Little Prince


"My flower perfumed the whole planet but I was not able to appreciate her. All that nonsense about claws, which I found so irritating ought to have endeared her to me."

"In those days I understood nothing! I should have judged by her deeds and not her words. She cast her fragrance around me and brightened my life. I should have guessed the tenderness behind her poor little stratagems..."

"Flowers are so contradictory! And I was too young to know how to love her."

"I'm beginning to a understand. I know a flower...I think she must have tamed me."

"The stars are beautiful because of a flower that cannot be seen. "

"If you love a flower that lives on a star, it is sweet to look up at the night sky. All the stars are in bloom. "

"Where you come from, people grow five thousand roses in one garden - and still they do not find what they are looking for. Yet what they are looking for can be found in a single rose or in a handful of water. "

"You are beautiful but you are empty. One could not die for you. Of course, an ordinary passerby would think my rose looked just like you. But in herself, she matters more than all of you together, since it is she that I watered; since it is she that I placed under the glass dome; since it is she that I sheltered with the screen; since it is she whose caterpillars I killed (except the two or three we saved up to become butterflies). Since it it she that I listened to, when she complained, or boasted or when she was simply being silent. Since it is she who is my rose."


*

The Fox

"But you must not forget. You become responsible, for ever, for what you have tamed. You are responsible for your rose. "



- The Little Prince, Anoine de Saint-Exupery

Log-out. Turn-off. Restart.

Minsan may mga isinulat (o naisulat) na kailangan ding burahin. May mga sugat na kailangang gamutin; mga bahagi ng sariling kailangang muling tipunin.

Pero minsan kinakailangan mo itong gawin nang palihim; sa pagitan ng bawat pagkurap at pagbuntunghininga ng bawat isang nasa paligid mo. Minsan mas mabuti ang hindi magpaliwanag; ang hindi magpaumanhin. Minsan mas mabuting iwanan na lang na nakabitin ang lahat at hayaan itong hilahin pabalik at tupiin ang kanyang sarili.

Minsan mas mabuting huwag nang suriin ang lahat at magpanggap na lamang na walang kahit anumang naganap.



*


Ano nga kaya ang dahilan kung bakit ang isang tula ay hindi magawa-gawang wakasan?

Halalan 2007

"Payapa lamang ang halalan dahil takot ang mga tao na magsalita."

- Jennylyn Norzales, poll watcher ng Genuine Opposition Catanuan, Quezon


*


2 poll watcher ng Kabataan Party dinukot, pinatay
Nadezhda L. Tañola

Kinondena ng Kabataan Party-list ang gobyernong Arroyo at mga elemento ng militar matapos matagpuan noong Mayo 16 ang bangkay ng dalawa nilang miyembro at tumayong poll watchers sa katatapos na halalan.

Kinilala ni Raymond Palatino, presidente at unang nominado ng Kabataan Party-list, ang dalawang biktima na sina Jun Bagasbas, 20 taon, ng Ulipanan Jose Panganiban at Ronilo Valleverde, 16 taon gulang ng Brgy. Old Camp Cappalonga. Natagpuan ang bangkay ng dalawa sa may hanggang ng Barangay Mataqui at Catabanguangan, Cappalonga.

Dinukot ang dalawa noong Mayo 15 sa Capalonga, Camarines Norte. Papauwi na ang dalawang biktima matapos maghatid ng pagkain sa mga volunteer ng Kabataan nang harangin at puwersahang kinuha umano ng mga sundalo sa kalapit na Kampo.

Noong Mayo 16, nagpalabas ng pahayag ang mga sundalo na napatay diumano ang dalawang biktima sa sagupaan sa pagitan ng mga militar at ng NPA (New People's Army) noong Mayo 15.

Nanawagan ng Kabataan Party- list sa Commission on Elections na kagyat na imbestigahan ang pamamaslang sa kanilang dalawang poll watchers at kasapi.

Maglulunsad ang grupo ngayon hapon ng indignation rally sa Comelec para kondenahin ang walang habas na pamamaslang sa mga kasapi ng progresibong mga party list.


www.pinoyweekly.org


Para kay Jonas Joseph Burgos

Isang Bukas na Liham ni JL Burgos sa
kapatid niyang si Jonas Joseph Burgos


(Ang liham na ito ni Jose Luis Burgos
kapatid ng dinukot na si Jonas Joseph
Burgos ay nakapaskil kasama ng kanyang
larawan sa mga poster na makikita sa
mga pader, poste, kubeta at waiting
sheds sa Quezon City. Nagbabakasakali
ang kapatid ni Jonas na maantig ang
damdamin ng mga may pakana ng kanyang
pagkawala.

Pakiusap: magtulong-tulong po tayo na
ipalaganap ang mensaheng ito ni JL sa
kapatid nyang si Jonas. )




“Naalala mo nung kinulong si erpats, di
natinag ang pamilya. Ngayon sa krisis
na hinaharap natin lalong di matitinag
ang pamilya. Huwag kang magalit na
kinukwento namin sa mga kaibigan ang
pagkain mo ng tutubi, ang pagiging
pasaway mo nung bata ka pa. Kasi
kailangan nilang malaman na tao ka at
di hayop tulad ng mga dumukot sa ‘yo.


Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na tibayan
mo ang loob mo. Tandaan mo na ang iyong
paniniwala at paninindigan ay para sa
nakararami. Mas mahusay at matapang ka
sa mga may hawak sayo.
Mga duwag at
traydor ang dumukot sayo.

Moving on

All of my regret
Will wash away some how,
But I cannot forget
The way I feel right now.

Let it go.
Don't you know the hardest part is over?



- Little Wonders, Rob Thomas

Isang sikreto II.

Maraming dyip. Buhol-buhol ang trapik. Hindi umaandar ang napakaraming dyip. Maraming tao. Buhol-buhol ang mga tao. Hindi makalakad ang mga tao.

Mainit. Tirik na tirik ang araw. Nagbabaga ang mga kalsada. Lumalatay sa mukha ang mga alikabok.

Sumakay ako sa isang dyip na natali sa trapik. Hindi ko alam kung saan papunta ang dyip. Hindi ko rin alam kung saan ako talaga pupunta pero may pakiramdam akong malalaman ko rin na doon ko gustong pumunta kapag nakarating na ako doon.

Umandar na ang dyip. Mabilis ang takbo nito. Parang may gustong takasan, nagmamadali lang talaga sa pupuntahan o dahil alam na alam lang talaga nito kung saan pupunta.. Dumaan ang dyip sa isang mahabang highway; parang walang katapusan. Hindi ko alam ang lugar pero may pakiramdam akong hindi ako naliligaw.

Bumaba ako ng dyip. Hindi ko alam kung nagbayad ba ako o hindi. Sumakay ako ulit sa isa pang dyip. Tapos bumaba na naman. Tapos sumakay ulit. Dumaan ako sa napakaraming kalsadang nagsasanga-sanga. Matagal akong nakasakay sa huling dyip. Payapa kong tiningnan ang kalsadang pahaba nang pahaba habang naaaliw sa ideyang malayo ang aking pupuntahan. Napangiti ako nang palihim habang palihim akong nagpaalam at palihim ring nasabik sa aking pupuntahang hindi ko talaga alam kung saan.

Alam kong marami na rin ang dumaan sa mga kalsadang ito; napadpad sa byaheng ito.
Marami ang naghihintay sa akin.
Malapit na ako.

Dead birds and bridges in the sky

I see dead birds;
two pairs
of burnt love birds
hanging from
a Ferris wheel.

But only one
of each pair
of love birds
is dead
or dying.

While the remaining two
weep
and freeze
like the cold steel bars
underneath their tears.


- it's one of those mornings


*

Someone's crossing the bridge in the sky again
and this time it's you.
Someone's stretching her neck to the bridge in the sky again
and it's still me.

Why won't somebody cross the bridge in the sky with me?
I'm always
always left screaming for somebody to come back down
and take me.


*

Life it seems, sleeps away
Just like any dream
All I want is all I need
Still I ask for more
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know

Love it seems, sleeps away
Just like any dream
I failed to see this memory
Means so much to me
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know

Everytime I see you
My life turns upside down
Tried so hard to find out
How to make you come back
But even if I told you
I can't hold you again
Everytime I see you I know


Everytime I See You
-Fra Lippo Lippi

Isang sipi mula sa naalimpungatang akda

Para sa lahat nang nasusugatan sa pakikibaka.


Hindi madaling mabuhay nang gising – kahit pa nakapikit.
Kadalasan, hindi masarap
kung hindi masakit
ang pagdantay ng sinag ng araw
sa sariling mukha – at
hindi nakakakilig
ang paghalik
ng hangin sa hubad
na pisngi
kung hindi mahapdi
malupit,
nakasusugat.

Hindi madaling mabuhay nang gising – lalo pa’t mulat.
Sapagkat kadalasan,
ang mga matang iminulat ay
hindi na maipikit muli,
takot na baka
masundan hanggang
sa kadiliman
ng mga multong
hindi rin maiwasang titigan
sa gitna ng init
ng katanghalian.

Hindi madaling mabuhay nang gising at mulat.
Sapagkat ang bawat paghakbang ay
pagkadapa; pagkasugat
ngunit muling pagtayo; pag-usad.
Ang bawat pagtitig ay
pagkasilaw; pagkapuwing,
pagkabulag
ngunit muling pagmulat
sa mas malinaw,
sa mas maliwanag.
Ang bawat pagtibok ng puso ay
pagdurugo; paninibugho,
pagkamatay
ngunit muling pagkabuhay,
pananatili habambuhay.
Ang bawat paghinga ay
pagkalunod; pagkabigo,
puspusang pakikidigma;
sagad-sagarang pakikibaka.



Kung minsan, mas madali mo pang nasasabi ang mga nais mong sabihin kapag nasa pagitan ka lang ng pag-idlip at paggising.

Hapi Mayo Uno

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tie a blue ribbon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Masarap kaya ang ulap?

Napatingin ang babaeng puta. Nasasalamin sa mga mata ng babaeng puta ang matagal nang paghihintay, pagkapagod ngunit ng katawan lamang at itinatagong pagkaligaw.

Napatingin ang babaeng puta sa gawing kanan niya dahil may batang lalaking tumuturo sa kanya. Hindi niya makalimutan ang babaeng puta dahil siya ang kumalong sa kanya kahit may kabigatan siya – sa loob ng dyip kahit hindi sila talaga magkakilala.

Kumaway ang babaeng puta sa batang lalaking alam niya ang pangalan ngunit hindi siya kilala.

Napatingin ang babaeng puta sa gawing kaliwa niya dahil may dalawang matang kanina pa pala siya pinapanood. May konting alaala ang mga matang iyon sa kanya; nakikilala nito ang mga ngiti niya pati na rin ang mga bakas ng mga itinatago niyang hinanakit sa ilalim ng tanghali.

Nagtangka ring salubungin ng mga mata ng babaeng puta ang mga matang hindi naman gaanong estranghero sa kanya

Subalit umiwas ang mga mata.

Kung sa bagay, hindi rin naman talaga nito siya kilala.

Napatingin ang babaeng puta sa kanyang harapan dahil may isang pares ng mata rin ang kanina pa nakikipagpatintero sa kanyang mga mata. Sinisilip siya nito, tinatawag sa pagitan ng mga dikit-dikit na katawan. Subalit hindi naman siya kinakausap.

Ang totoo, magkakilala sila ng babaeng puta.

Subalit mas pinili ng mga matang itong manatiling hanggang doon na lang ang kanyang pagkakakilala sa kanya.


Muntik ng mapatingin ang babaeng puta sa gawi niyang kaliwa dahil may isang hindi rin kaibigan, hindi rin naman estrangherong kumukuha ng larawan niya. Subalit kahit na nararamdaman niya sa kanyang tagiliran ang pagkutitap ng flash ay minabuti na rin niyang huwag tumingin.


Ayaw lang naman niyang maikahon pa pati sa larawan ang kanyang pagtitig;
pagtitig na tunay namang malaman ngunit walang napagsasabihan.

Maraming tumitingin ngunit ayaw namang makipagtitigan.
May mga nakikipagtitigan ngunit wala namang makita.
May mga nakakakita ngunit wala namang maintindihan.


*

Ngayon pa lang natututunang mahalin ng babaeng puta ang kanyang pangalan, subalit tila wala namang interesadong ito ay malaman.

ANG SINING at KOMITMENT sa PANAHON ng KRISIS at KARAHASAN

ni Dr. Bienvenido Lumbera

(Ang sumusunod ay sipi ni Joanna Lerio sa speech ni Ka Bien sa Ikalawang Kongreso ng Sinagbayan noong Marso 21, 2006. Inilathala ito sa Entablado bilang pagpupugay kay Ka Bien, isang tunay na Pambansang Alagad ng Sining.)




Sa panahon ng krisis at karahasan, ang pangunahing bagay na nararapat binibigyan pansin ng mga artista't manggagawang pangkultura ay ang pagtatambal ng sining at komitment. Mahalagang ang isang artista ay may komitment. Ito ang paghawak sa isang panindigang nakabatay sa pambansang interes.

Saan ba nakaukol ang komitment ng isang artista? Ito ay itinatapat sa krisis na nararanasan.

Sa krisis pang-ekonomya, ito ang pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbaba ng sahod at kawalan ng trabaho. Ang artista ay hindi ligtas sa kahirapang nararanasan ng lipunan. Karaniwang nangyayari sa artista ang pang-ekonomiyang kagipitan.

Bago ang Martial Law, kahit papano ay mayroong empleyo ang mga tao sa larangan ng sining, pero sa panahon ng batas militar, sa isang sistematikong pagdidikta ng batas ng gubyerno, lahat ng mga empleyado ay pinagbibintangang "kumikilos". Marami ang nawalan ng trabaho. Kung may nakapanatili sa trabaho, sila ay araw-araw na minamanmanan. Dito pumapasok ang krisis pampulitika: ang pagdaranas ng represyon.

Ang krisis panlipunan ay hindi lamang nagsimula kay GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) . Si Marcos halimbawa, ay naging bulagsak sa paghawak ng pampublikong pinansya. Binigyan prayoridad nito ang imprastraktura para sa mga negosyanteng sa kalaunan ay nagdeklara ng pagkalugi. Nagbunga ito ng malakihang utang panlabas na taun-taon ay lumalaki. Wala namang malinaw na programa paano ito mabayaran at sa aktwal ay ipinasa nga sa mamamayan ang problema sa utang. Magkasalimbayang pangungurakot at kawalan ng katapatan ang sagot dito ng pamahalaan.

Sa panahon ni Cory Aquino, mayroon itong mayamang posibildad at magandang pagkakataon na tanggihan ang panlabas na utang ng bansa. Kinikilala ang administrasyon ni Cory bilang isang "revolutiuonary government" at hawak nito ang kapangyarihang baguhin ang kalakaran. Ngunit sa aktwal, ay hindi ito umaktong rebolusyonaryo. Sa bandang huli, siya ay nanatiling isang haciendera, kabilang sa mga naghaharing uri ng mga negosyante at may-ari ng malalawak na lupain.

Upang hindi mabawasan ang angking kayamanan, idineklara niyang, "Ang Pilipinas ay handang akuin ang lahat ng pagkakautang" . Isa itong malaking kahungkagan samantalang ang tinayong atomic plant noon ay maituturing na isang malaking pagkakautang ng pamilyang Marcos.

Kaya't nananatili ang patakaran sa budget sa pagbibigay prayoridad sa utang panlabas, kasama ng suportang militar at walang kaukulang pansin para sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kabuhayan, kalusugan, pabahay, tubig, kuryente. Hindi binibigyan ng kaukulang pansin ang mamamayang patuloy na dumaranas ng kagipitan.

Pagkatapos ng rehimen ni Cory, tinuturing ang panahon ni Ramos bilang "Restoration Period", panunumbalik daw sa dating kalagayan ng Pilipinas. Sa esensiya at sa aktwal, ito ay panunumbalik ng iilan para sa pang-ekonomya at pampulitikang kapangyarihan. Nanatili ang suporta ng gubyerno sa kapitalismo.

Ang sitwasyon sa ngayon ay tulad ng katatapos lamang na tinatawag na post-kolonyalismo. Batay na rin sa karanasan, ang nilikhang problema ng gubyerno sa ekonomya at pulitika ay naging kontradiksyong hinarap ng mga indibidwal sa larangan ng sining: go to work and follow rules or join the "illegal movement".

Sa kilusan ng pagbabago, ang gawaing pangkultura ay di hamak na "ligtas na larangan". Binansagang sa larangang ito ay walang karahasan ngunit sa katotohanan, ang kultura ay psyche ng maraming kontradiksyong maaaring humahantong sa isang pisikal na karahasan, pananakit, pagpatay at pagsugpo.

Dahil ang pinag-uusapan sa larangan ay elite vs pinamumunuan o ang naghahari at ang pinaghaharian.

Kung babalikan ang Martial Law, noon ay tunay na ginamit ng estado ang lakas nito upang ang lipunan ay naaayon sa kagustuhan ng diktador. Ganito ang kalakaran ngayon sa rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo: ang pamamahala ay nakabatay sa kayamanan, kapangyarihan, ari-arian at impluwensyang militar.

Evat ang naging tugon ni GMA sa obligasyong pang-internasyunal. Lalong lumala ang problema sa gloria dahil si Gloria ay di nagdala ng gloria.

Sa umpisa pa lang, ang kanyang pagkahalal bilang pangulo ay questionable na. Ginamit nito ang lahat ng rekurso para mahawakan ang kapangyarihan. Ang katotohanan ng Hello Garci tapes ay insidenteng kailangan ipaliwanag sa sambayanan dahil ito ay pagbunyag ng ibayong paglubha ng krisis sa lipunan.

Sa kanyang "sorry", parang sinabi lang sa mamamayang nagising siya isang araw na nakausap ang isang tao sa COMELEC sa panahon ng eleksyon at tumatakbo siya sa pagkapangulo. Isang malinaw na panloloko.

Palaki nang palaki ang bilang ng mamamayang tumututol sa kanyang pamahalaan. Ang impeachment proceedings ay prosesong hindi nalubos dahil ginamit ng administrasyong GMA ang lahat na rekurso, maging panunupil sa kapwa opisyal sa pamahalaan.

Sa laki at lala ng kanyang kailangang pagtakpan, isang direksyon ang tinahak ni GMA: ang paghasik ng terorismo upang pigilan ang mamamayang lumalaban. Ang Proclamation 1017 ay mapanlilang na patakarang kinopya kay Marcos nang ibinaba ang batas militar sa konteksto ng state of emergency.

Ang panukalang charter change o CHA-CHA ay isang pabuya o pagtupad sa pangako ng pangulo ng bansa, ginagamit na ekstensyon ng administrasyon, para sa mga ambisyosong lokal na mga opisyales.

Sa pamamagitan ng CHA-CHA ay maiiwasan ang pagsusuri ng estado hinggil sa mga usapin at isyu. Ang Cha-cha ay lalong pinapatingkad ng administrasyon upang pigilin ang kilusang GMA ouster. May bagong konstitusyon sa tuwing may pagdeklara ng martial law. Asahan ng mamamayan na ang bagong konstitusyon ay hindi para sa mamamayan.

Ano ang magagawa ng mga nasa larangan ng kultura ngayon?

Maaaring humalaw ang mga artista't manggagawang pangkultura sa karanasan ng mga nasa larangan noong Martial Law: natuto sila sa pamamagitan ng pakikiisa sa malawakang pagkilos at pag-oorganisa.

Sa ngayon, ang krisis ay lalong lumubha at ginagamitan ng karahasan ng pamahalaan upang maputol o mabansot ang diwang palaban ng isang artista o kaya ay gawing masunurin, umaayon sa pamahalaan ang kanyang sinusulat o nililikha.

Ang artista ay may malayang pasya sa pagpapahayag. Sa panahon ng martial law, dalawa ang lugar ng mga artista sa pagkilos: Isa rito ang legal na pakikibaka sa pamamagitan ng mga likhang kontra sa mapanupil na patakaran ng pamahalaan. Ang isa pa ay ang underground na tinatawag o ang pagpasya ng artistang kumilos nang lampas pa sa paghawak ng lapis o paint brush para maipagpatuloy ang nasimulan at para na rin sa sariling kaligtasan.

Ang anyong pangkultura ay epektibo para patuloy na ipahayag ang panindigang makabayan at makabansa.

Ang awit ay isang anyong madaling palaganapin. Ang awit ni Joey Ayala tungkol sa Sta. Filomena: may bukiring masagana sa bunga ngunit walang pumipitas, "wala nang tao sa Sta. Filomena". Ito ay batay sa isang aktwal na panghahamlet ng militar sa Davao bilang isang larawan ng kagipitang likha ng martial law. Nasa awit ang alusyon ng taktikang militar at ng pamahalaan sa pagbansag ng isang lugar o probinsiya bilang luklukan ng NPA kaya't ang mga sibilyan dito ay pinalikas diumano kaya't napabayaan ang bukirin.

Sa Bangon o Internasyunale, ito ay panunumpa ng mga militanteng me komitment sa uring proletaryo.

Ang dula ay maaaring tahasang umaatake sa pamahalaan at pasismong militar.
Ang dulang Welga! Welga na larawan ng isang militanteng unyon ay nalikha bago ang martial law ngunit ipinagbabawal dahil sa radikal na layunin nito. Ang Juan dela Cruz ay tungkol sa kalagayan ng mamamayan sa panahon ng kolonyalismong Amerikano "para bulabugin ang mga tao at malipol ang mga gerilya".

Ang tula ay maaaring tahasang maglarawan ng kalagayang iba ang tumutukoy sa aktwal.

Ang artista ay isang bulnerableng indibidwal sa lipunan dahil karamihan naman ay walang malaking kakayahang pang-ekonomiya ngunit ang artista ay di dapat humiwalkay sa lipunan.

Kailangan niyang magpasya. Kailan ka magsisimula? Kailan pa magpapatuloy?

# Entablado Marso 2006

DADDY, WHY DID WE INVADE IRAQ?

Questions and Answers about Foreign
Policy (and the U.S. Invasion of Iraq )
(c) 2003 anarchie bunker

Permission is freely granted to copy,
print, and distribute this material by
any means, so long as the author is
given proper credit and so long as
this statement is included in any and
all copies made for distribution.

Q: Daddy, why did we have to attack
Iraq ?
A: Because they had weapons of mass
destruction.
Q: But the inspectors didn't find any
weapons of mass destruction.
A: That's because the Iraqis were
hiding them.
Q: And that's why we invaded Iraq ?
A: Yep. Invasions always work better
than inspections.
Q: But after we invaded them, we
STILL didn't find any weapons of mass
destruction, did we?
A: That's because the weapons are so
well hidden. Don't worry, we'll find
something, probably right before the
2004 election.
Q: Why did Iraq want all those
weapons of mass destruction?
A: To use them in a war, silly.
Q: I'm confused. If they had all
those weapons that they planned to use
in a war, then why didn't they use any
of those weapons when we went to war
with them?
A: Well, obviously they didn't want
anyone to know they had those weapons,
so they chose to die by the thousands
rather than defend themselves.
Q: That doesn't make sense. Why would
they choose to die if they had all
those big weapons with which they
could have fought back?
A: It's a different culture. It's not
supposed to make sense.
Q: I don't know about you, but I
don't think they had any of those
weapons our government said they did.
A: Well, you know, it doesn't matter
whether or not they had those weapons.
We had another good reason to invade
them anyway.
Q: And what was that?
A: Even if Iraq didn't have weapons
of mass destruction, Saddam Hussein
was a cruel dictator, which is another
good reason to invade another country.
Q: Why? What does a cruel dictator do
that makes it OK to invade his
country?
A: Well, for one thing, he tortured
his own people.
Q: Kind of like what they do in
China ?
A: Don't go comparing China to Iraq .
China is a good economic competitor,
where millions of people work for
slave wages in sweatshops to make U.S.
corporations richer.
Q: So if a country lets its people be
exploited for American corporate gain,
it's a good country, even if that
country tortures people?
A: Right.
Q: Why were people in Iraq being
tortured?
A: For political crimes, mostly, like
criticizing the government. People who
criticized the government in Iraq were
sent to prison and tortured.
Q: Isn't that exactly what happens in
China ?
A: I told you, China is different.
Q: What's the difference between
China and Iraq ?
A: Well, for one thing, Iraq was
ruled by the Ba'ath party, while China
is Communist.
Q: Didn't you once tell me Communists
were bad?
A: No, just Cuban Communists are bad.
Q: How are the Cuban Communists bad?
A: Well, for one thing, people who
criticize the government in Cuba are
sent to prison and tortured.
Q: Like in Iraq ?
A: Exactly.
Q: And like in China , too?
A: I told you, China 's a good
economic competitor. Cuba, on the
other hand, is not.
Q: How come Cuba isn't a good
economic competitor?
A: Well, you see, back in the early
1960s, our government passed some laws
that made it illegal for Americans to
trade or do any business with Cuba
until they stopped being Communists
and started being capitalists like
us.
Q: But if we got rid of those laws,
opened up trade with Cuba , and
started doing business with them,
wouldn't that help the Cubans become
capitalists?
A: Don't be a smart-ass.
Q: I didn't think I was being one.
A: Well, anyway, they also don't have
freedom of religion in Cuba .
Q: Kind of like China and the Falun
Gong movement?
A: I told you, stop saying bad things
about China . Anyway, Saddam Hussein
came to power through a military coup,
so he's not really a legitimate leader
anyway.
Q: What's a military coup?
A: That's when a military general
takes over the government of a country
by force, instead of holding free
elections like we do in the United
States .
Q: Didn't the ruler of Pakistan come
to power by a military coup?
A: You mean General Pervez Musharraf?
Uh, yeah, he did, but Pakistan is our
friend.
Q: Why is Pakistan our friend if
their leader is illegitimate?
A: I never said Pervez Musharraf was
illegitimate.
Q: Didn't you just say a military
general who comes to power by forcibly
overthrowing the legitimate government
of a nation is an illegitimate leader?
A: Only Saddam Hussein. Pervez
Musharraf is our friend, because he
helped us invade Afghanistan .
Q: Why did we invade Afghanistan ?
A: Because of what they did to us on
September 11th.
Q: What did Afghanistan do to us on
September 11th?
A: Well, on September 11th, nineteen
men - fifteen of them Saudi Arabians -
hijacked four airplanes and flew three
of them into buildings in New York and
Washington , killing 3,000 innocent
people.
Q: So how did Afghanistan figure into
all that?
A: Afghanistan was where those bad
men trained, under the oppressive rule
of the Taliban.
Q: Aren't the Taliban those bad
radical Islamics who chopped off
people's heads and hands?
A: Yes, that's exactly who they were.
Not only did they chop off people's
heads and hands, but they oppressed
women, too.
Q: Didn't the Bush administration
give the Taliban 43 million dollars
back in May of 2001?
A: Yes, but that money was a reward
because they did such a good job
fighting drugs.
Q: Fighting drugs?
A: Yes, the Taliban were very helpful
in stopping people from growing opium
poppies.
Q: How did they do such a good job?
A: Simple. If people were caught
growing opium poppies, the Taliban
would have their hands and heads cut
off.
Q: So, when the Taliban cut off
people's heads and hands for growing
flowers, that was OK, but not if they
cut people's heads and hands off for
other reasons?
A: Yes. It's OK with us if radical
Islamic fundamentalists cut off
people's hands for growing flowers,
but it's cruel if they cut off
people's hands for stealing bread.
Q: Don't they also cut off people's
hands and heads in Saudi Arabia ?
A: That's different. Afghanistan was
ruled by a tyrannical patriarchy that
oppressed women and forced them to
wear burqas whenever they were in
public, with death by stoning as the
penalty for women who did not comply.
Q: Don't Saudi women have to wear
burqas in public, too?
A: No, Saudi women merely wear a
traditional Islamic body covering.
Q: What's the difference?
A: The traditional Islamic covering
worn by Saudi women is a modest yet
fashionable garment that covers all of
a woman's body except for her eyes and
fingers. The burqa, on the other hand,
is an evil tool of patriarchal
oppression that covers all of a
woman's body except for her eyes and
fingers.
Q: It sounds like the same thing with
a different name.
A: Now, don't go comparing
Afghanistan and Saudi Arabia . The
Saudis are our friends.
Q: But I thought you said 15 of the
19 hijackers on September 11th were
from Saudi Arabia .
A: Yes, but they trained in
Afghanistan .
Q: Who trained them?
A: A very bad man named Osama bin
Laden.
Q: Was he from Afghanistan ?
A: Uh, no, he was from Saudi Arabia
too. But he was a bad man, a very bad
man.
Q: I seem to recall he was our friend
once.
A: Only when we helped him and the
mujahadeen repel the Soviet invasion
of Afghanistan back in the 1980s.
Q: Who are the Soviets? Was that the
Evil Communist Empire Ronald Reagan
talked about?
A: There are no more Soviets. The
Soviet Union broke up in 1990 or
thereabouts, and now they have
elections and capitalism like us. We
call them Russians now.
Q: So the Soviets - I mean, the
Russians - are now our friends?
A: Well, not really. You see, they
were our friends for many years after
they stopped being Soviets, but then
they decided not to support our
invasion of Iraq , so we're mad at
them now. We're also mad at the French
and the Germans because they didn't
help us invade Iraq either.
Q: So the French and Germans are
evil, too?
A: Not exactly evil, but just bad
enough that we had to rename French
fries and French toast to Freedom
Fries and Freedom Toast.
Q: Do we always rename foods whenever
another country doesn't do what we
want them to do?
A: No, we just do that to our
friends. Our enemies, we invade.
Q: But wasn't Iraq one of our friends
back in the 1980s?
A: Well, yeah. For a while.
Q: Was Saddam Hussein ruler of Iraq
back then?
A: Yes, but at the time he was
fighting against Iran , which made him
our friend, temporarily.
Q: Why did that make him our friend?
A: Because at that time, Iran was our
enemy.
Q: Isn't that when he gassed the
Kurds?
A: Yeah, but since he was fighting
against Iran at the time, we looked
the other way, to show him we were his
friend.
Q: So anyone who fights against one
of our enemies automatically becomes
our friend?
A: Most of the time, yes.
Q: And anyone who fights against one
of our friends is automatically an
enemy?
A: Sometimes that's true, too.
However, if American corporations can
profit by selling weapons to both
sides at the same time, all the
better.
Q: Why?
A: Because war is good for the
economy, which means war is good for
America . Also, since God is on
America 's side, anyone who opposes
war is a godless unAmerican Communist.
Do you understand now why we attacked
Iraq ?
Q: I think so. We attacked them
because God wanted us to, right?
A: Yes.
Q: But how did we know God wanted us
to attack Iraq ?
A: Well, you see, God personally
speaks to George W. Bush and tells him
what to do.
Q: So basically, what you're saying
is that we attacked Iraq because
George W. Bush hears voices in his
head?
A: Yes! You finally understand how
the world works. Now close your eyes,
make yourself comfortable, and go to
sleep. Good night.
Q: Good night, Daddy



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pa rin.

May mga dumarating at umaalis dahil sa sariling kagustuhan at hindi dahil sa pangangailangan.
May mga dumarating at umaalis dahil sa pangangailangan at hindi dahil sa sariling kagustuhan.

May mga pangangailangang nagiging sariling kagustuhan at
may mga sariling kagustuhang nagiging pangangailangan.

Ngunit anuman ang dahilan, palagi’t palagi pa ring may dumarating at umaalis – may naiiwan

at hindi pa rin ako nasasanay.




Ibabaon na lang din ba kita, kagaya nila sa aking baul ng mga alaala?


*


Minsan may binabalik-balikan, may bumabalik-balik dahil alam na may babalik-balikan.
Pero minsan, ang bumabalik-balik, pabalik-balik lang din naman sa daang dati nang naraanan. Ngunit ang kaibahan, wala na ang dating iniwanan.


Kung minsan, hindi mo na maaari pang pulutin ang dati mong iniwanan dahil malamang na hindi rin magtatagal ay magagawa na niyang pulutin ang kanyang sarili o kaya nama’y, pupulutin na rin siya ng iba. Wala nang saysay ang pagkapit pa sa mga sariling pag-aakala.



*


Minsan, may bumabalik hindi upang ibalik ang dati kung hindi upang wakasan na hindi lamang ang dati kung hindi pati na ang lahat. Subalit minsan, may naghihintay, hindi ng wakas kung hindi ng pagbabalik ng dati at ng pagpapatuloy ng lahat.


Minsan, ang pagbabalik ay hindi nangangahulugang pagyakap at pananatili kung hindi ang tuluyang paglisan – pamamaalam. Ito ang unang hakbang sa patuloy na pag-usad at pag-unlad. Subalit minsan, may mga mas pinipili ang manatili at mapag-iwanan; naghihintay pa rin sa hindi na naman darating.




Patawad kung natagalan ang muli kong pagbabalik. Patawad din kung ang aking muling pagbabalik ay isang pamamaalam. Sana hindi ko na pinahirap para sa’yo ang lahat. Sana hindi ako naging makasarili at hindi kita iniwan na lang basta sa ere, nakabitin sa sangang natira upang makapitan mo. Baka sana, naging mas mabilis ang pag-usad mo. Eh ‘di sana hindi na kita inabutan pa dito, naghihintay pa rin sa pagdating ko.

Wala mang katiyakan

May ningning pa ang mga bituin
Nagbangon na sila't handa nang salubungin
Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag
Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay
Kilala nya ang kilos ng dagat
Kilala niya ang mga awit ng habagat
Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo
At sa tuwing pagdating ng sinta
Panglaw sa puso'y dagling naglalaho
Wala mang katiyakan, muling pagsasama
Natutunan na niyang mahalin ang pangamba
Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay
Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay
May ningning pa ang mag bituin
Nagbanong na siya't handa nang salubungin
Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan
Ang tubig sa kanyang mga mata
Maaring luha ng tuwa o pagdurusa
Wala mang katiyakan
- Lea, Buklod


*

Wala mang katiyakan, muling pagsasama
Natutunan na niyang mahalin ang pangamba
Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay

May ningning pa ang mag bituin
Nagbanong na siya't handa nang salubungin
Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan
Ang tubig sa kanyang mga mata
Maaring luha ng tuwa o pagdurusa
Wala mang katiyakan


*

Walang katiyakan kung kailan tayo muling magkikita o kung magkikita pa tayong muli. At kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka man makiusap, gusto kong malaman mong hinihintay kita at hihintayin kita. Hindi ako sumusuko.

Hindi ako bibitaw hangga’t hindi mo sinasabing kalimutan na kita.

Bertdey ko na! Bertdey ko na!

Mga gusto kong (materyal na) regalo sa 20th birthday ko ngayong darating na April 25: (kamon, brat mode)

1. DVD ng mga paborito kong pelikula:
Labyrinth (yung original)
The Wizard of Oz
Alice in Wonderland
The Never Ending Story
2. Lotus galing sa lagoon ng UPD.
3. Isang magandang lipistik. Kahit cheapaz.
4. Canary Yellow nail polish.
5. Cd ng rev songs. Maraming-marami.
6. Personalized cd ng mga kanta ng U2.
7. Isang pair ng underwear na komportable, seksi, makulay, kakaiba at kyut.
8. Isang pack ng maliliit na payong na toothpick. Hapi!
9. Isang librong sa tingin nyo magugustuhan ko. Kahit ano.
10. Isang journal. Makapal dapat. With ballpen na rin.

Isang sikreto I.



Isang araw, katulad ng ibang araw, araw-araw ay sinabi/ sinasabi ko:
"Gusto kong magising ng maaga at tumambay sa lagoon para makita ko ang pagbuka ng mga lotus. Tapos kukunan ko ng video. Kahit gaano katagal. Kahit gaano kalamig 'pag umaga. Tapos ibibigay ko sa'yo yung footage."


Isang araw, katulad ng ibang araw, araw-araw ay umaligid/ umaaligid ako sa tabi ng lagoon at tinitignan ko kung makakaya kong abutin ang mga lotus. "Pipitas" ako ng isa at ibibigay ko sana sa'yo kaya lang masyado silang malayo. Baka mahulog ako. Hindi ako marunong lumangoy. Malalim pa naman yata ang tubig (?).


Isang araw, katulad ng ibang araw, araw-araw ay inisip/ iniisip ko sa tuwing dadaan tayo sa lagoon:
"Sana isang araw "pumitas" ka ng kahit isang lotus para sa'kin. Ako na ang pinakamasayang tao 'pag nangyari 'yun. Alam mo namang mababaw lang ang kaligayahan ko."


Isang araw, katulad ng ibang araw, araw-araw ay naisip/ naiisip kong
sila marahil ang sarili kong hindi ko magawang panoorin ang paglago, ang pagbuka. Wala ring ibang nakakakita sa kanila. Masyadong masukal at madilim ang paligid nila. Lahat ay abala. Nagmamadali. Dinaraanan lang sila. Parang ikaw. Hindi mo rin talaga ako nakikita.



- Glenn, alam kong hindi mo 'to kinuhanan dahil sa akin. Pero salamat. May something lang talaga ko sa mga lotus na ito. Sa lagoon. Nahagip mo.


Photo taken from http://glennmichael.multiply.com

May namimiss. Nakakamiss.


Dinrowing ko sa Paint noong mahaba pa at kulot ang buhok ko.
Hindi naman totoong nagsusuot ako ng pink shirt at light blue pants.
Hindi rin totoong kumakain ako ng green peas at kamatis na parang sibuyas.
Pero totoong hindi ako makakain ng maayos 'pag kasama kita.

Dito lang.

Dito natin pupulutin, bubuklatin, lalanghapin, lulunukin, pupunitin at iiwan ang lahat.


Dito lang.

Ito ang panahon ng maraming pagkamatay at muling pagkabuhay.

Bagong sim card. Nireformat na PC. Literal na pangalawa at panibagong buhay. Bagong karir. Bagong mga pangarap at plano. Bagong pagtingin sa mga bagay. Mga relasyong back to zero. Mga taong kailangang pakawalan. Mga pantasyang dapat bitawan. Mga bagay na dapat tapusin at simulan. Mga taong ngayo'y dapat akapin at tanggapin. Panibagong kadena ng panahong bibilangin.

Siguro kailanma'y hindi ako magiging ganap na handa upang sabihing ako'y handa na sa lahat ng mga pagbabago. Pero gayunpaman, tinatanggap ko.


Subalit isa lamang sana ang hihilingin ko bago ako magpatuloy sa muli kong pagkabuhay, sana pahintulutan muna akong magluksa para sa sariling kamatayan ko.

Catatonic.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag verbally. Hindi ako magaling don.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag nalulungkot ako. O balisa. Hindi ko kaya 'yon.

Hindi ako masalitang tao. Ayoko rin talaga nang nagkukuwento. Ayoko nang nagpapaliwanag lalo na kapag dito sa blog ko. Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Basta hindi ko lang kaya.


Pero ngayon, gusto kong magsalita pero ayokong makipag-usap. Gusto kong magkuwento pero ayoko rin namang seryosohin ang kuwento ko. Gusto kong magpaliwanag pero ayokong ipagtanggol ang sarili ko.

Hindi ako sanay nang inaaming malungkot ako. Balisa. Kaya hindi ako sanay dito. Pero nalulungkot ako. Natatakot ako. Balisa. Gusto kong umiyak at maglupasay na parang bata. Gusto ko rin nang may magpapatahan sa akin at bibigyan ako ng ice-cream. Gusto ko sanang sabihin kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko sanang hanapan ng kongkretong dahilan

- pero wala.

Hindi naman talaga dahil sa wala kung hindi siguro dahil ayoko lang alamin. Ayoko lang busisiin. Ayoko lang bulatlatin. Dahil gaya nga nang isang bersong paulit-ulit kong sinasabi noon, noong mga panahong tulad nito


Pinakamasakit ang sugat kapag pinipilit gamutin.


Sana makayanan ko hanggang sa gumaling.


Overdose.

Nangangatal ang mga laman ko at
Parang may mga usok na kumakawala.
Ang pagkamanhid bang ito ay
Dahil lang sa sadyang malamig,
Dahil walang kaniig o
Epekto ng sariling pagliligalig?

Isang minuto lang ang kinailangan
Para malaman kong
Ang kamatayan
Ay isang kasiguraduhan.
Naiiyak ako dahil nadama kong
Malapit na,
Muntik na
Dahil sobra na
Ngunit
Naiiyak din ako dahil
Gusto ko pa.

Mga tulang lipistik.

Masaya ang mundo dahil bilog ito. Nililinyahan ang kabilugan ng puwang ng paghinga, tinatadtad ng rekurso sa gimik. Sistematiko ang pagpapahirap sa atin, at sa kanya-kanya natin ang rekurso para makalikha ng lugar na makakahinga at makakagimik tayo. Bilog ang mundo dahil sa ating mga balikat ipinapapasan ang sabayang paghihirap at kasiyahang maari pang makamit mula rito.

*


Muli akong nag-alsa balutan at naglipat ng masisilungan.
Dahil gaya nga nang lagi ko na lang binabanggit -
Walang permanenteng tahanan ang isang tulad ko.







Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket